Wednesday, April 21, 2010

Damdamin.


Bakit nga ba hindi natin naririnig,
Patak ng luhang may nais ipahatid?
Mensaheng wala pang nakababatid,
Wala na bang lakas, kanyang tinig?

Damdaming sadyang nag-uumapaw,
Damdaming sadyang di mapapanaw,
Sa ating harapan, sa ‘ti’y sumisigaw,
Bakit nga ba hindi natin matanaw?

Hirap, luha, pighating walang hanggan,
Sa ating mundo’y ating makakamtan,
Tunay, tunay, di nga natin ito maiiwasan,
Pagkat ito sa daigdig ang sa ati’y nakalaan.

Kailan nga ba natin mararamdaman,
Ang tunay na ligaya’t kapayapaan?
Pangarap na matagal nang nais maratnan,
Ito nga ba’y atin pang makakamtan?

No comments: