Wednesday, March 24, 2010

Ang Kabang Naramdaman



Nakadama ako ng kaba sa mga oras na ito.
Wala naman akong nakitang nakakatakot na aswang, o manananggal.
Wala naman akong nakikitang kakaiba sa mga pamilyar na mukha sa paligid ko.
Wala rin naman akong naririnig na tunog ng agunyas.
Wala akong natatandaan na taong nakaaway ko sa nakalipas na bente-cuatro oras.
PERO … bakit ako nakakaramdam ng kaba?
Siguro, sa guni-guni o sa pag-iisip ko lang.
PERO … hindi nga eh!
Wala naman akong maalalang nakakatakot na napanaginipan ko kagabi!




Maaga pa naman akong nagtungo rito sa Benilde.
Dito sa pagkaganda-gandang gusali ng SDA.
Nagkukumahog pa ako papasok ng campus, sa takot na baka maiwanan ako ng elevator.




Maya-maya pa, nakita ko ang di-mahulugang karayom ng mga tao.
“Teka sandali! Anong pinagkakaguluhan ninyo rito?”
Iyun nga lang, tila mga taingang-kawali ang mga kausap ko, kaya iniwanan ko na.
Pinuntahan ko na ang aming propesor sa loob ng klasrum.

Hanggang sa loob, di rin mahulugang karayom ang mga naroroon.
Bukod sa mga kaklase ko, naroon din ang mga iba pang mag-aaral na tulad ko, ay umaasang mataas ang gradong ibibigay sa akin ni Prof.

Pero ang tanong: Karapat-dapat nga ba talaga akong tumanggap ng mataas na marka mula sa kanya?
Ilang sandali pa, nakuha ko na ang pinakahihintay kong kors kard …
Magdilang-anghel!
… at nawala na ang kabang nararamdaman ko.
Katunayan, napatalon ako sa tuwa sa nakita ko.
Maraming maraming salamat po, Prof!






No comments: