Sa totoo lang, noon pa lang na narinig ko ng sirkular sa pagsamba ukol sa gagawing Pamamahayag ng mga Salita ng Dios, (Huwebes iyon, kung hindi ako nagkakamali) buo na ang desisyon ko. Nasabi ko sa aking sarili na "hinding-hindi ko palalagpasin ang araw na iyon. Nais kong maibalik ang dating ako. Nais kong mapanumbalik ang dati kong kasiglahan. Ito na ang tamang panahon para maghanda."
Marso 22, 2010. Araw na pinakahihintay. Katunayan, maaga akong bumangon at naghanda ng aking sarili. Kahit sabihin nating gabi ang okasyon na 'yon, naka-mind set na ako. "Shie, may akay ka man o wala, tuloy tayo mamaya, ha? Okey ba yon? Walang sinuman o anuman ang makahahadlang, lalo na kapag ang Ama na ang nagtakda!"
Tila isang hamon ang naghihintay sa akin. Pagkakataon nga naman oh. May pilit na humahadlang sa akin. Hindi iyon nagpapatalo talaga. Hindi't hindi papayag 'yun hangga't hindi ako napatitigil nito. Kung ano iyon, aba, hindi na iyon mahalaga. Nalagpasan ko na iyon ng bonggang-bongga. Salamat sa Ama!
Nakakatuwa talaga, dahil pagdating ng kapilya, (in all fairness, hinihingal pa ako nu'n, sa akala kong wala na akong maabutan.) mag-uumpisa pa lang ang texto.
Ang pinakamatinding suliranin, ayon sa texto, na hindi masyadong nabibigyan ng pansin ng tao ay ang kasalanan. Tama ang kapatid na ministrong nangasiwa. At higit sa lahat, tama ang Biblia na siyang dapat pagbatayan ng tao sa buhay at pamumuhay niya. At katulad ng mga nakaraang Pamamahayag, itinampok ang tanging paraang itinuturo ng Dios sa tao para maligtas sa hatol ng Dios -- at ito ay ang pagpasok sa kawan, na siyang ating kinaaaniban ngayon, ang Iglesia ni Cristo.
Nawa lahat ng nakarinig nito ay hindi lang makarinig, kundi, ito ang laging tumimo sa puso, isipan at damdamin ng bawat isa, upang mapakinabangan nating lubos ang pagkakilalang ating natamo.
Purihin natin ang Ama, na Siyang nagbigay, nagbibigay at magbibigay ng tunay na tagumpay sa ating lahat!
... Pagbati ...
Binabati ko ng maligayang ika-30 anibersaryo ang Pastor naming si Kapatid na Edgar Pingol, mga manggagawa, ang Pamunuan namin, sina Kapatid na Delo Lim, Robin Esparrago, Ding Leoncio, Edwin Fadriquela, at Ino Mongcal; at ang katuwang nila, ang tiyuhin kong si Kapatid na Roger Pantoja. Ganoon din ang aking taos-pusong pagbati sa mga kapatid kong kapwa Mang-aawit, maytungkulin sa Pagsamba ng Kabataan (PNK), Kapisanang Binhi, maging sa mga lahat ng kapatid na hindi ko nabanggit, maligayang anibersaryo po sa ating lahat.
No comments:
Post a Comment