Showing posts with label FILIP13. Show all posts
Showing posts with label FILIP13. Show all posts

Wednesday, April 21, 2010

Damdamin.


Bakit nga ba hindi natin naririnig,
Patak ng luhang may nais ipahatid?
Mensaheng wala pang nakababatid,
Wala na bang lakas, kanyang tinig?

Damdaming sadyang nag-uumapaw,
Damdaming sadyang di mapapanaw,
Sa ating harapan, sa ‘ti’y sumisigaw,
Bakit nga ba hindi natin matanaw?

Hirap, luha, pighating walang hanggan,
Sa ating mundo’y ating makakamtan,
Tunay, tunay, di nga natin ito maiiwasan,
Pagkat ito sa daigdig ang sa ati’y nakalaan.

Kailan nga ba natin mararamdaman,
Ang tunay na ligaya’t kapayapaan?
Pangarap na matagal nang nais maratnan,
Ito nga ba’y atin pang makakamtan?

Monday, April 19, 2010

Ikaw Lamang (Awit para sa FILIP13)

(hango sa himig ng White Love Story:
Coffee Prince OST)

I
Di mawala sa isipan ko
Alaala ng ating pinagsamahan
Sa aking isipan
Laging ikaw ang hanap

II
Nais ko mna malaman mo
Walang hanggan
ang tunay na nararamdaman ko
para sa’yo, o giliw ko

Koro:
Ang pag-ibig ko
ay para lang sa iyo
Sana ay dinggin ang awit ko
O ikaw lamang
ang tanging nasa puso ko
Huwag nawa sana
akong iiwan nang nag-iisa
Ikaw lamang
Ang tanging iibigin ko

III
Aking kinatatakutan
‘Di malaman
kung ano ang aking gagawin
kung ika’y malayo sa akin

(Ulitin ang Koro)

Koda:
O ikaw lang ang
tanging nilalaman ng isip ko
Ikaw lamang
Ang tangi sa buhay ko
Ang tanging iibigin ko