Showing posts with label nakaraan. Show all posts
Showing posts with label nakaraan. Show all posts

Thursday, July 8, 2010

Nakaraan

Luhang patuloy ang pagpatak...
Kaloobang nababagabag...
Habang binabalik-tanaw ang aking nakaraan.
Hindi ko lubos maunawaan
Kung bakit at paano nalagpasan.

Sumasagi pa rin sa aking isipan...
Mga lungkot at kapighatian...
Tinig ng nagugulumihanan.
Sigaw ng nangangailangan.
Nagpaalala ng aking nagdaan.
Nakaraang tila walang katapusan...

Ngunit ngayon...
Kalooban ko’y payapa na.
Pag-asa ko’y nadaragdagan pa.
Kahilinga’y unti-unting naisasakatuparan.
Pangarap na inaasam ay nakakamtan.